This is as good as it gets

Sunday, November 25, 2007

Sirain ang ayos, ayusin ang sira?

Ano ba talaga balak niyong gawin sa kalsada namin?

Ganito na lang ba palagi? kung kailan tag-ulan, ngayon niyo lang binalak na ayusin ang kahabaan ng East Service Road. Sobrang bagal ng daloy ng trapiko, pag Rush Hour... Lalo na pag gabi, madalas maguumpisa ang prusisyon sa AFPOVAI (near TESDA),swerte mo kung sa may masagana ka na inabot! pero kung hindi mahigit 30 minutes ang biyahe! este ang prusisyon pala!

Hindi ko talaga maiintindihan ang logic ng gobyerno! Hindi ba dapat tag-araw niyo ginagawa yan? Syempre magdadahilan kayo ng walang pondo, walang trabahador at kung anu-ano pang dahilan para lamang makalusto kayo sa kabulastugan ninyo! kaayos lang ng mga sidewalk dito sa min, kaya ayun dahil aayusin ninyo ang kalsada namin sinira niyo ang sidewalk! Ganda pa naman nung mga bricks na nilagay nila dun! Hay ewan ko ba, akala ko ba ang mga nakalagay sa pwesto ng gobyerno eh matatalino? eh mukhang ang TATANGA! o nagTATANGA-TANGAHAN lang?

Malamang lamang eh matapos to sa December pa! Wish ko lang mas maaga! Grabe pa naman ang init sa bus...

Sunday, November 18, 2007

For all the Drivers out there...

Batas Trapiko, hindi ko alam kung alam ng mga Pilipino na meron tayo nito. Pero sa araw-araw na pagbiyahe ko pag papasok ako ng opisina, at pag-uwi eh parang ang gulo gulo ng buhay ng mga driver!

Sa Ibang bansa, pag nasa Pedestrian Lane ka, Hari ka... Ang mga sasakyan eh bawal, lumampas dun sa line bago mag Pedestrian Lane. Dito sa Pinas, Naku! Kahit "STOP" na ang sign eh mapaptakbo ka at baka masagasaan ka...

Napaka-aggresibo talaga ng mga Pinoy Drivers, kahit ang mga edukadong tao, madalas sila pa ang mga barubal pag hawak na nila ang manibela.

May kakilala ako, napunta na siya ng Singapore... May mga 3 months na siya dun, tapus isang traffic violation lang nadeport siya! "Beating the red light!" yun lang at nadeport na siya... sayang ang pinaghirapan niya para makapunta dun.

Siguro kung lahat ng driver dito eh dinala mo sa ibang bansa, ewan ko lang ha, malamang lamang eh na bigyan na silang lahat ng ticket, o di kaya eh mapanood natin sila sa "World's Most Dangerous Police Chases." Saya di ba, Sikat nanaman ang mga PINOY! YAHOOO!!!

Ayaw ko nang magumpisa sa mga motorsiklo na kumakalat na sa buong ka-Maynilaaan. Feeling ko sila na ang mga PINAKA-MANG-MANG sa Batas Trapiko! Sila na din ang pinaka mainipin! Ang hilig nilang mag overtake, bigla na lang yan susulpot sa harapan mo, tapos pag matrapik naman eh dadaan sa SIDEWALK!!! Ika nga ng MMDA eh " ANG BANGKETA AY PARA SA TAO!!!" hay Pilipino ka talaga pag hindi ka marunong umintindi ng Sign Board!

Tingnan niyo na lang ang sinulat ng Inquirer tungkol dito... Click Here

Saturday, November 17, 2007

GIG SKED


November 24, 2007 @ Dayo Bar 6 PM

Sunday, October 28, 2007

Kurapsyon pa din

Pinakita ni Fr. Ed Panlilio yung pera na binigay daw sa kanya nung umattend siya ng meeting sa malacañang. At pagtapos niya ilang congressman at gobernador ang sumunod sa kanya. Sabit nanaman si GMA, puro na lang palpak... Una yung ZTE Broadband Deal, dahil may nagchuchu eh hindi natuloy, sayang...

Malamang eh sinabon na ng todo ni GMA yung nag-audit nung mga pera na pinamigay, "bakit si Panlilio binigyan mo?" hehehe... Grabe talaga ang kurapsyon sa gobyerno ngayon....

Iniisip ko tuloy kung yung pari namin dito sa parokya ang nasa pwesto ni Fr. Ed Panlilio, Naku malamang eh, Hindi na magsasalita yun, at itatago na ang pera...

May history na kasi sila dito, yung dating Pari sa parokya dito nakaisip na magpatayo ng simbahan na medyo malaki, at humingi ng tulong sa mga nagsisimba. Hindi ko alam kung magkano yung exact amount na naipon pero nasa 1 Million daw sabi ng mga nagdonate. Yung sa dating pari halos linggo linggo eh, meron silang update kung magkano at nasaan yun pera.

Umalis yung paring nakaisip na magtayo ng bagong simbahan, at ang naging pari namin dito eh yung guest priest dati. Ayun sa awa naman ng Diyos eh nawalang parang bula ang pera, kahit na nagpapameeting sila tungkol dun at pag tinanung mo sila kung nasaan yung pera, ang isasagot lang nila eh "nakatago lang po yung pera". sabay tanungin mo na din kung magkano na yung pera... pabalang ka ng sasagutin na parang pera nila yun at bakit ka ba nakikialam?

Yung tito ka na pari din eh naging Guest Priest sa parokya dito, sa kanya humingi ng tulog ang mga tao, dahil nga gusto din nila talaga matuloy ang pagpapatayo ng simbahan. Eh ang kaso maboka tong sang pari na to, at siniraan ang tito ko... Wala talaga... Parang si Lolit Solis na siniraan si Sam Milby!

Ang kwento ng Tito ko, pag meron daw naasign na Blessing tapos maliliit na tao lang, binibigay na nung pare sa tito ko, pero pag alam nung pari na bigtime yung be-blessingan eh wala ng isip isip yun at naandun na siya... Medyo, may pagkasakim sa pera di ba? ewan ko lang kung napapansin yung ng mga taga parokya...

hay....

Parang si Padre Damaso eh nareincarnate sa 21st Century...

Goodluck sa Our Lady of the Poor Parish!

Mahirap na nga yung mga tao dito nanakawan mo pa ng pera....

Sunday, August 19, 2007

Anong bago sa iyo?

Ang tagal ko na din palang hindi nagblog, sobrang busy lang talaga ako. Lalo na ngayon na ako na lang mag-isa na lang ako sa opisina, Na-retrench nga pala yung latest kong kasama sa opisina dahil "medyo" nagtitipid ang kumpanya namin kaya ayun nagkabawasan ng tayo para lang makatipid naman daw ang aming kumpanya.

* * * * * * * * * * * * * * *

Pumunta ako ng Quiapo nung katapusan ng July, sahod eh... kaya ayun bumili ako ng DVD, na-curious kasi ako sa sinasabi ng mga kaopisina ko na ang daming DVD dun kaya ayun, sinubukan kong maghanap ng mga anime na wala pa ko dahil, medyo tinatamad akong magdownload dahil nagloloko ang kompyuter ko.

Ang nabili ko eh....
  • Hajime no Ippo
  • Death Note
  • Shaman King
Yung Hajime no Ippo eh natapos kong panoorin nitong linggo na to, isusunod ko siguro yung Death Note.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Sa wakas, ang U.E. Red Warriors eh may chance na mag champion... (pwera bati!) matagal ko na kasing gusto mag champion ang UE eh, ever since nung naglaro sila James Yap, at Paul Artadi.

Sana talaga...

* * * * * * * * * * * * * * *

Napakinggan ko na din yung bagong album ng Linkin Park, yung ''Minutes to Midnight" grabe bilib ako sa kanila, para silang nareborn at nagbago ang tunog nila, hindi sila masyado gumamit ng effects di tulad sa mga previous albums nila na lagi mong maririning ang turn table ni Johann, may dalawang kanta sila sa album na during verse eh, bass lang at drums ang maririnig mo.

Katulad ng mga previous albums nila eh, hindi ka magsasawa sa pagpapatugtog ng album nila, as in walang kang lalaktawan na track.

Abangan niyo na lang dahil i-a-upload ko din yung album nila sa multiply ko! :D




Sunday, May 27, 2007

Ang gulo talaga

Mangiwan sa Ere, dito ata ko pinakatalentado! Sadya lang ata na bobo ako sa tiyempo, kaya ito dami ng nasaktan na tao... Hindi ko nga alam kung bakit ko nagagawa yun eh, manhid nga daw ako, siguro nga, sa dinami ba naman ng dinanas ko eh panung hindi ko magiging manhid? akala niyo lang yun, hindi niyo alam may pusong mamon tong tao na to! (di nga talaga promise!)

Nakaraan? sino ba ang taong hindi nabubuhay sa nakaraan?

Yung taong walang pagsisi? Asan ka? tatanungin kasi kita kung paano mo nabuhay ng ganun...

Akala ko nga eh kuntento na ko sa buhay ko, kuntento ko talaga ang kaso eh... ang daming bagay na sumasagi sa isip ko. Na feeling ko tuloy eh dami kong bagay na pinalampas.

"Live life to the fullest"

Yan ang sabi nila...

Eh bakit nga ba hindi ko tinutuloy ang mga inuumpisahan ko?

Bakit nga ba?

Natatakot lang siguro ako dahil baka yun yung taong katapat ko, dami ko ng narinig na kwento at ang totoo eh mas astig pa sila sa kin! Asan na sila ngayon? Asa ilalim ng palda ng mga asawa nila!

Yun ata yung phobia ko eh, yung makita yung babae na katapat ko...


Monday, April 09, 2007

TRAPO

Alam mo na ba kung sino iboboto mo? Yung mga hindi pa eh pakitaas po ang kamay...

Malamang eh isa na ko sa mga taong, gulong gulo ang pag-iisip lalo na sa mga panahon na ito. Lalo nga kong napepressure sa pagpili ng kukurakot sa pera ko, este ng tutulong sa bayan natin (kuno!).

Tuwing makikita ko ang aking payslip kada sahod eh nayayamot ako sa laki ng tax na kinakaltas sa kin, para saan? Para lang yumaman ang mga tao sa gobyerno? Hindi naman ako mayaman para nakawan, napapaisip na lang tuloy ako... Bakit ganun?

Kung napanood niyo lang PHILIPPINE AGENDA last Easter Sunday, eh mandidiri ka sa mga taong kurakot, basta lahat ng may kapangyarihan at nasa puwesto eh pinakita nila. Alam ko hindi lang sa gobyerno laganap ang corruption, maski sa mga maliit na opisina, samahan, at kung anu-ano pang mga grupo na makakakita ng opportunidad para kumita ng pera.

Tanung ng isang tao dun sa palabas na yun:

Bakit magsasayang ang isang pulitiko ng mahigit 300 libong piso para sa puwesto na sumasahod lang ng 30,000 Pesos per month?

Bakit nga ba?

Ang daming paaralan ang kulang sa silid aralan, libro, upuan, blackboard, at mga guro.

Ang daming tao ang walang tirahan at nakatira pa din sa squatter's area, pero gusto silang paalisin ng gobyerno.

Maraming ospital ang hanggang ngayon eh kulang sa mga pasilidad, kama, kwarto, doktor at mga nurses.

Dahil sa sobrang talamak na ang corruption dito sa ating bansa, ang ibang tao eh tanggap na ang katotohanan na hindi na ito mababago, na ganito talaga buhay dito, at hanggang ganito na lamang tayo. Kinabukasan malamang may mababalita nanamang scam, at pustahan tayo sasabihin mo na lang eh, "anu pa bang bago?".

Oo nakakasawa, kasi paulit-ulit lang ang nangyayari, may magsusumbong, may magsasampa ng kaso, yung sinampahan ng kaso idedeny siyempre, tapos pagdating sa korte maaabsuwelto yung sinampahan.

Eh yun ang gusto mangyari ng mga kurakot na iyan ang magsawa tayo, Masanay, at tanggapin buong puso ang corruption. Pakiramdam ko tuloy eh nanalo na sila, dahil nangyari na ang gusto nila.

Kaya tuwing tatanungin ako kung sino ang iboboto ko ngayong darating na eleksiyon, sinasagot ko na lang, "hindi na lang ako boboto!" , tatanungin naman ako kung bakit, sinasabi ko na lang, "bat ko iboboto yung tao na kukurakot sa pera ko?"

Ang hirap talaga mag-isip...