This is as good as it gets

Monday, April 09, 2007

TRAPO

Alam mo na ba kung sino iboboto mo? Yung mga hindi pa eh pakitaas po ang kamay...

Malamang eh isa na ko sa mga taong, gulong gulo ang pag-iisip lalo na sa mga panahon na ito. Lalo nga kong napepressure sa pagpili ng kukurakot sa pera ko, este ng tutulong sa bayan natin (kuno!).

Tuwing makikita ko ang aking payslip kada sahod eh nayayamot ako sa laki ng tax na kinakaltas sa kin, para saan? Para lang yumaman ang mga tao sa gobyerno? Hindi naman ako mayaman para nakawan, napapaisip na lang tuloy ako... Bakit ganun?

Kung napanood niyo lang PHILIPPINE AGENDA last Easter Sunday, eh mandidiri ka sa mga taong kurakot, basta lahat ng may kapangyarihan at nasa puwesto eh pinakita nila. Alam ko hindi lang sa gobyerno laganap ang corruption, maski sa mga maliit na opisina, samahan, at kung anu-ano pang mga grupo na makakakita ng opportunidad para kumita ng pera.

Tanung ng isang tao dun sa palabas na yun:

Bakit magsasayang ang isang pulitiko ng mahigit 300 libong piso para sa puwesto na sumasahod lang ng 30,000 Pesos per month?

Bakit nga ba?

Ang daming paaralan ang kulang sa silid aralan, libro, upuan, blackboard, at mga guro.

Ang daming tao ang walang tirahan at nakatira pa din sa squatter's area, pero gusto silang paalisin ng gobyerno.

Maraming ospital ang hanggang ngayon eh kulang sa mga pasilidad, kama, kwarto, doktor at mga nurses.

Dahil sa sobrang talamak na ang corruption dito sa ating bansa, ang ibang tao eh tanggap na ang katotohanan na hindi na ito mababago, na ganito talaga buhay dito, at hanggang ganito na lamang tayo. Kinabukasan malamang may mababalita nanamang scam, at pustahan tayo sasabihin mo na lang eh, "anu pa bang bago?".

Oo nakakasawa, kasi paulit-ulit lang ang nangyayari, may magsusumbong, may magsasampa ng kaso, yung sinampahan ng kaso idedeny siyempre, tapos pagdating sa korte maaabsuwelto yung sinampahan.

Eh yun ang gusto mangyari ng mga kurakot na iyan ang magsawa tayo, Masanay, at tanggapin buong puso ang corruption. Pakiramdam ko tuloy eh nanalo na sila, dahil nangyari na ang gusto nila.

Kaya tuwing tatanungin ako kung sino ang iboboto ko ngayong darating na eleksiyon, sinasagot ko na lang, "hindi na lang ako boboto!" , tatanungin naman ako kung bakit, sinasabi ko na lang, "bat ko iboboto yung tao na kukurakot sa pera ko?"

Ang hirap talaga mag-isip...

Sunday, April 08, 2007

SUMMER nanaman

Hay grabe siguro nasa, 35 degrees Celsius dito sa kwarto ko! Sobrang init!!! sinubukan kong uminom nang beer, ayun wala pang 15 minutes eh nawala agad ang lamig. Pait!

Summer na, ito na ang panahon para mag pa-henna ang mga gurls sa lower backs nila, panahon din ito para mag diyeta para magkasya ang mga bathing suits nila, ito din ang panahon para magpatuli na ang mga magbibinata.

Ito na din ang panahon ng mga samu't saring mga liga, nangunguna na dyan ang basketball, volleyball, chess, badminton, table tennis, piko, patintero, tumbang preso, agawan base, taguan, shato, luksong baka, trumpo, text, at ang walang kamatayang bahay bahayan...

Dito din naglalabasan ang mga samu't saring pagkain na luklukan ng lamig para lamang mapawin ang init sa katawan, andyan ang Mais con yelo, Saba con yelo, Ice cream, Ice drop, at ang Halu-halo.

Syempre lalong lumalakas ang kuryente ng lahat ng malls dahil sa dami ng tao na pumupunta para lamang magpalamig.

Ito din ang panahon kung saan eh tiba-tiba ang mga may ari ng resort dahil sa dami ng taong pumupunta sa dagat, at swimming pools.

Init talaga...

Tuesday, April 03, 2007

Bitter

Kung ayaw mo sa kin, sabihin mo agad para hindi ako nagsasayang nang panahon sa mga taong tulad ninyo...

Simple lang di ba? madaling intindihin. Kahit ang taong retarded eh siguradong maiinitindihan to.

Pero talagang hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong tumitira nang patalikod.

Bakit nga ba?

Feeling ko tuloy ito yung mga tipo ng tao na duwag...

Hay... Bilib pa naman sana ko kaso ganyan pala kayo... ang totoo niyan wala kong masabi sa inyo dahil mas magaling kayo sa kin, inaamin ko yun. Hindi naman ako nagmamagaling eh, tao lang ako, hindi perpekto TULAD NIYO!!!

Kung ano man ang nagawa ko (Kahit wala) eh pasensiya na... Sadya lang talaga makikitid ang utak ng mga MATATANDA, at naiintindihan ko po yun mga Ate't Kuya.

Sana lang eh sinabi niyo na lang sa kin, hindi yung para kayong mga gago na kung anu-ano ang pinagsasabi, at pinaggagawa sa kin...

Wala naman akong pakialam sa inyo... Kayo naman tong nagmumukhang mga tanga hindi ako...

Naranasan ko na yang ginagawa niyo sa kin kaya MANHID na ko sa ganyan, mas maganda lang talaga kung sasabihin niyo nang maaga kung AYAW niyo sa kin, para hindi nasasayang ang ating mga oras... Sa oras lang naman ako nanghihinayang eh hindi sa SAMAHAN... alam ko din naman na wala kayong mga kwentang tao kaya hindi kayo kawalan sa kin...

I THANK YOU!!! (nyehehehe)