This is as good as it gets

Tuesday, March 06, 2007

Hay... Pag-Ibig pa din...

The Right One

Somebody once told me that: "Finding the right person is very hard and very wrong... it is best to be the right person for the one you love and start from there... you'll always end up disappointed when you set standards and define a "right person" for you... and don't rush things coz somewhere somehow God is preparing somebody for you."


Don't be in a hurry to get into a relationship because you can never find love if you insist that you are already into it. Try to find time to really understand your real feelings, to know who you really are, and what you really want in a relationship. You're right, there's no such thing as a perfect relationship, but there's a compatible partnership that goes along with it. If you already knew that you're too big to fit into a small sized t-shirt, don't give it a try. You'll probably break it and pay for the damages you have made.


If you knew and felt that the relationship will not last, don't go deeper into it. You'll just suffer the consequences and live like hell for the rest of your life. It's really hard to say goodbye though, but you can't make it any better by just pretending you still have the same feelings. Try to let go and give yourself a chance to live life to the fullest. Give yourself a chance to grow and give your heart a much needed attention. Then you will find that you have made the right decision and you made it all by yourself.


We call it love when we can't leave someone and see them crying as we try to let go. We are wrong, it's just pity. We call it love when we're too attached and think that losing the one we love will somehow make us weak and unable to face the storms of life. We misunderstood; it's just that we're too much dependent to them. We call it love when we give our whole life to them, the wholeness of us and imagined that if they leave, no one would accept us and our past. We are mistaken, its just insecurity. But no matter what the definition is, the truth still remains that love isn't something you can buy or beg. It is real and existing. You can't touch it but you can feel it in your heart. You can't find it, but it will knock before you when you least expect it to come. It can make you the happiest soul in heaven, but don't forget that it can also make you the most miserable person in the whole galaxy.

*via email

Friday, March 02, 2007

Pinoy talaga

Paano kung si NOAH (yung taong pinagawa ng Diyos nang isang malaking arko) eh naging Pilipino at nabuhay ngayon dito? Tingin ko eh ganito ang mangyayari...

Taong 2007 at isang ordinaryong middle class Pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing "Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't ibang kapuluan." Ibinigay kay Noah ang "specs" ng arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.

Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, "Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo? "Tumugon si Noah,"Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo." At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko.

Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.

Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.

Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng hueteng. Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.

Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas. Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo.

Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan "Towards a Strong Republic". "Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko. Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto". Ang huling wika ni Noah. Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hahayaan ko na lang kayong mga PINOY ang sumira ng sarili ninyong Bansa."

* Received via email