This is as good as it gets

Sunday, February 11, 2007

Pinoy Rock

Nakita ko yung "The Wuds" kanina sa S.O.P, tinugtog kasi nang Rivermaya yung kanta nila na "Inosente lang ang nagtataka". Old school punk ang tugtugan nang the wuds and I like their music. Ang totoo niyan eh hindi ko na sila naabutan 1980's pa ata sila nagstart, eh ang naabutan ko eh Yano, Eraserheads, The dawn, Rivermaya (si bamboo pa bokalista nila!), at Siakol.

Na-miss ko tuloy yung Pinoy Rock noon, simple lang kasi at hindi masyadong maarte ang mga kanta. Na kahit sang kanto may inuman eh siguradong maririnig mo na kinakanta! Naalala ko nung nilabas nang E-heads ang "Pare ko" grabe hindi siya nakakasawang pakinggan kahit mga sobrang lasing na ang mga kumakanta, susundan pa nila yan nang "Bakit ba?" by Siakol ay naku sabay sharing nang mga bigong pag-ibig stories na kulang na lang eh magyakapan at magiyakan tong mga nag-iinuman sa min!

Kung ang mga Amerikano eh may "Grunge", ang hapon eh may "J-POP", "Manila Sound" naman ang musikang pinauso nang mga banda na Juan Dela Cruz band, Sampaguita noong 1970s (correct me if I'm wrong ha! hehehe), Kaya naman nilabas ang tribute album na "Hopia, Mani, Popcorn (Best of Manila sound!).

Parang overrated na tuloy ang pag lalabas nila nang tribute, parang kailan lang kasi eh naglabas din sila nang album na tribute sa APO Hiking Society na sobrang gasgas na! At bago pa yun eh naglabas din sila nang tribute para sa E-Heads! Baka naman sa kalalabas nila nang mga Tribute Album eh wala ng gawin ang mga banda dito sa Pinas kundi mag-cover ng mga kanta!(wag naman sana.)

Wish ko lang eh sana maintindihan nang mga tao ang musika, hindi dahil uso eh pakikinggan nila! Yun na lang ang ginagawa kasi nang iba! Kung hindi pa gagawa nang Tribute album para sa Manila sound eh hindi nila makikila ang kanta!

Hay....

LEARN THE HISTORY OF PINOY ROCK HERE

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home