Long...
Hay naku tagal nanaman hindi nakapagblog, parang feeling ko tuloy sobrang hectic nang sched ko! Samantalang madalas naman ako nakaharap sa kompyuter!
Tulog! Ito ako nung bagong taon, at nung pasko! Nilubos ko lang ang pagkakataon para bumawi sa pagtulog, hindi na tayo mga bata na merong siyesta pag hapon kaya hangga't may pagkakataon para matulog eh nilulubos ko lamang po. Sabihin niyo nang K.J. ako wala akong pakialam MASARAP MATULOG!!! yun lang ang masasabi ko!
May gig kami nung December 29 sa Freedom Bar, hindi siya actually gig audition siya! Dami din namin kasabay na mga banda, Iba-iba nga ang tugtugan dun eh at wala masyadong cover! lahat ata halos nang tumutugtog na banda dun eh mga composition nila ang tinugtog nila. May Blues, Punk Rock, at may Alternative. Tumugtog din ang Mayonnaise at Milk & Money! Lufet!
Tumutugtog din kami dun last Friday at ayun regular na kami dun, may Gig ulet kami dun sa thursday! (Ahem!) Uhm nananawagan po ako sa mga kakilala ko na kung gusto niyo po kaming mapanood eh punta lang po kayo sa Freedom Bar sa Anonas! hehehe!
Last Thursday eh na-experience ko din magpaputok nang baril! Nakakawala pala yun nang stress kada pindot mo sa trigger at pag pumutok na ang baril! Ngayon naiintindihan ko ang mga taong binaril ang mga taong namburaot sa kanila! (lesson: wag mamburaot sa taong may baril! pramis pag katapos ka niyang barilin gagaan pakiramdam nung taong yun! hehehe!)... Sarap talaga nang pakiramdam, nung una pa nga eh medyo kabado ko kasi takot ako sa mga paputok, lalo na baril! malamang eh mas malakas pa to sa mga pinaputok nung bagong taon! Pero nung andun na ko at hawak ko yung baril eh, parang ayaw ko nang bitawan yung "Glock" na pinahiram sa min, kahit apat na bala lang ang pinaputok ko eh masasabi kong naging "trigger happy" ako sa loob nang mga tatlong minuto, kaya ayun... sana maulit uli!
Last week din eh medyo minadali ko ang pagtapos sa Manga nang Deathonote dahil pinahiram ako nung pinsan ni maam lei nang Movie nung Deathnote at Anime. Ayun at natapos ko siya kaya straight ako sa movie, para macompare ko na yung Manga sa Movie, pero malamang eh tulad yan nang mga Harry Potter books na maraming alterations! pero nakita ko yung movie at ang lupet nang pagkakagawa kay "RYUK"! ibang klase ngayon lang ako nakakita nang ganung computer animated na character! ibang klase talaga!
Praktis muna at may tugtog na sa thursday! <==== excited!

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home