This is as good as it gets

Thursday, March 16, 2006

Dahil sobrang galing mo etong sa iyo!!!

Bakit kaya may mga taong sobrang INGGITERO??? na hahamakin ang lahat para lamang masira ang kanilang kinaiinggitan? nakakabadtrip lang talaga... pareng Dovanditz sensya ka na ha... sadya lang nde ko matiis to eh nahighblide lang talaga ako!!!
Una... bat may mga graduate nang COMPUTER ENGINEERING na luklukan nang yabang??? Ipagmamalaki nila na purket yun ang course nila eh alam na nila ang lahat regarding sa computer? marami akong kilalang Computer Engineering na sobrang mang-mang sa pagrerepair at pag-aassemble nang PC... madami!!!
1.) Yung kabarkada ko OJT sa PC Express kabatcha ko yun kabarkada ko yun at graduate sya nang two year course na Computer Electronics Technology which is more sa diagnostic and repair nang mga PC kasama na ang Networking. may nag apply na Computer Engineer doon, ang tataas nang grado nung nag apply ayun naging under siya nung kabarkada ko. ang hina pa sa pagrerepair. hay buhay.
2.) Yung barkada ko nung high school na nag aral nang Computer Engineering at patapos na ngaun ayun nag OJT na.... galeng pinagrepair siya nang PC at tinuruan pa.
3.) May kakilala ko hindi niya alam na pag nireinstall mo ang WINDOWS XP eh hindi mabubura ang mga ininstall mo!!! nagmagaling pa at inalipusta pa ang ibang tao!!!
Una sa lahat hindi ang mga computer engineering eh hindi trained magrepair nang mga PC simula nung pumasok sila sa kolehiyo eh puro na sila math at trigonometry puro sila calculation more on programming nga sila kung hindi ako nagkakamali. samantalang kaming mga Technician eh simula pagpasok eh yun na ang tinuturo sa min, may iba pa nga dyan eh natutunan lang sa ibang tao at naging mahusay na lang nung natuto.
Please lang hindi purket mga 4 year course kayo eh may karapatan na kayong magyabang, nagtraining pa kayo habang nagttrabaho samantalang kami eh alam na namin ang mga gagawin namin! hindi purket graduate ka eh may karapatan ka nang alipustahin ang ibang tao! ayusin mo naman ang ugali mo. kung may mga taong ayaw sa iyo... kung naiinggit ka naman eh sarilinin mo na lang yan imbes na nakakasira ka pa nang ibang tao.
Hindi naman sa galit ako sa mga Computer Engineers actually may mga kaibigan din ako na ganyan ang course pero hindi naman sila mayayabang at hindi sila nang aalipusta nang kapwa nila. sa totoo nga niyan bilib nga ko sa mga computer engineers. kaso kung ganyan na rin lang ang asal hay naku di na baba na lang ang tingin ko sa iyo...
Isa pa ingat ka na lang baka isang araw eh nakaratay ka na sa kalsada pagnakita ko yun baka hindi ikaw ang tulungan ko. hehehe!!!
wag mo na lang sabihin na hindi kita binalaan!

2 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home