This is as good as it gets

Sunday, November 13, 2005

Untitled

Isang araw nanaman ang lumipas at ito, sobrang nabato!!! although masaya ako kasi nainstall ko na yung NBA Live 2006 at nalaro ko na siya!!! sobrang cool nung game!!! grabe, yun nga lang may konting problema sa Video Card ko kaya medyo nagloloko yung graphics nung game, but its all good. check ko na lang tomorrow kung ano ang minimum requirements nito para naman malaro ko siya nang maayos!!!

Pinanood din naman nang sis ko yung DVD nang 40 year old virgin, okay naman yung movie kahit parang tinipid siya. nakakatawa kasi yung mga artista eh nagkantahan at nagsayawan sa dulo nang movie(reminds me of pinoy movies!)....gaya gaya din pala mga amerikano, kala ko tayo lang ang gaya gaya.

anyway sa hinaba nang storya nang 40 year old Virgin, may simpleng message siya."okay lang ang maging virgin!". sa panahon kasi natin ngayon eh malamang konti na lang ang mga VIRGINS, at sandamak-mak na ang mga hindi na virgins(AHEM!).

marami sa mga kabataan ngayon eh napepressure makipag-sex dahil sa feeling nila lahat eh ginagawa ito, or magiging sikat ka pag ginawa mo to. hay mga tao talaga... kaya ayun sobrang pressure nila eh madami ang nag-asawa nang maaga, mga dalagang ina, ano pa ba.... basta ganun...

Mai-rerecommend ko ang movie na ito sa mga hindi pa nakakatikim nang sex (hehehe) , at syempre pwede din ito sa mga nakatikim at balak muna maging celebate...

Hay!!!Pasok nanaman bukas tapos parang kakapusin na ko ata nang pera... two weeks pa bago sumahod ulit!!! :(

3 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home