This is as good as it gets

Tuesday, October 25, 2005

Television

I was talking to my sister a while ago, and we were watching tommy hilfiger's reality show titled "CUT", and we talked about different reality shows.
Lately kasi madalang na kong makapanood nang TV due to the reason na; una, isa na lang ang TV namin, nasira na ung isa eh. pangalawa, pag uwi ko galing work haharap na lang ako sa PC kaysa makipag-agawan sa TV. naabutan ko yung pinapanood nang sister ko, like yun extra challenge. naging era na kasi nang "REALITY SHOWS" mapa-foreign man o local.
Okay yung sa foreign as in most of them(I think?!) eh nag click naman dito sa pinas, like Survivor, Amazing race, etc. then inadapt yung trend na yun dito sa pinas, then we have extra challenge, Pinoy Big Brother, yung mga singing contest, yung mga star search atbp.
okay na sana, kasi na-adapt na nang pinas ang "reality show" na trend. kaso there is a slight problem...
try ko lang i-compare ang foreign reality show sa local:
First ang mga contestant- sa foreign, nagpapaaudition sila tapos nagkakataon na ang mga nakukuha nila eh mga "NOBODY", dito sa Pilipinas... MGA ARTISTA, at kung sino sino sa showbiz!!! anyway in understand what the producers are thinking, like pag artista ang nilagay nila sa reality show eh siguradong ma-aamuse ang mga tao kasi makikita nila ang katangahan, kagaguhan, kabaliwan, o yung tunay na pagkatao nang isang artista. kaysa pagnaglagay ka nang isang taong ordinaryo sa mga reality show eh malamang mag-flop ang palabas na yun.
Second ang mga challenges - sa foreign, medyo may challenge lalo na sa survivor, halatang pinaghihirapan ang pera dun kasi medyo mahirap ang mga challenges. sa local medyo common at sobrang simple, maarte kasi mga artista!!! may iba naman na okay, yung tipong ang iisipin nila pag di nila kinain ang buhay na uod eh, "baka sabihin nang mga tao eh maarte ako", sabay lunok nang buhay na uod. ang gusto makita nang tao eh yung tunay na pagkatao nang bawat players. hindi yung kaplastikan nila! may isa pa... sa Pinoy Big Brother, saan ka ba naman nakakita nang tao na pagnarinig ang theme song nang show eh sasayaw kahit naliligo ka sa banyo, o habang nagsisipilyo etc.??? kabalbalan sa kin yun.... asan ang realidad dun??? hay naku...
Third ang mga nananalo - sa foreign most of the contestant nga eh mga simpleng tao sa kani-kanilang mga bansa, mayron din namang mga mayayaman pero hindi na nila hinabol ang pera experience lang din. dito sa pinas, mga ARTISTA!!! nakamputa naman o!!! Mayayaman na yang mga yan!!! ang daming tao ang naghihirap, ang daming tao ang mas nangangailangan nang pera. bakit hindi yun ang hatakin nila para sumali sa show nila??? para paghirapan naman nila kahit konti ang malaking pera di bah???
wala naman akong grudge against sa mga artista or anyone sa showbiz. I'm blaming the producers and directors.
Pabor sa kin ang mga local reality shows, as in okay na... pero try lang sana nila mag experiment na hindi sikat na tao ang ipasok nila sa mga reality show nila. tignan niyo na lang yung ibang mga singing contest atleast yung mga kasali dun eh, talagang simpleng mga tao lang... tsaka sana try din nilang maging creative.
more power sa mga Local TV, kahit di na ko masyado nakakapanood nang TV

1 Comments:

  • naalala ko, kinukuha ako ng isang talent scout ng ABS-CBN mejo nagulat nung malaman na 23 na ako. Hehe...

    By Blogger Sarah Strange, At 11:11 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home