This is as good as it gets

Saturday, October 22, 2005

LAKLAK

Another day at the office, and my head is aching. Kulit kasi sabing hindi na iinom sige pa rin, masakit na nga ang tagiliran, paano feeling ko may ulcer na ko, kasi tuwing iinom nang beer sumasakit na tiyan ko. hirap talaga pag maaga kang namulat sa mga bisyo.

ARGH!!!!

sakit talaga nang ulo ko, madaling tigilan ang pag inom. ang pag tanggi sa nag aya ang mahirap.
nakakahiya kasi minsan na lang mag aaya tatablahin mo pa, sabihin KJ ka o di kaya eh nang iiwan ka sa ere.

Naalala ko tuloy yung mga dating kabarkada ko sa amin, mga 3rd year High School kami nun, same din ang naririnig ko sa kanila... "walang iwanan sa ere!". lakas nang trip namin nun inuman as in pagtapos nang school, grabe feeling ko nga eh sunog baga na ko nun... tapos kala mo mga tunay na kaibigan, hay naku.di mo nga iniwan sa ere, putcha ginago ka naman. papasukin mo sa bahay mo tapos papakialaman ang mga gamit at nanakawin... magugulat ka na lang na may nawala sa gamit mo... hindi mo naman maisip kung sino ang kumuha kasi ang dami nila... tinulungan mo yung GF nang kabarkada mo tapos, maiinlab sa iyo ung GF niya. magagalit pa yung katropa mo kasi daw sinulot mo. kasalanan ko ba kung mas naging maalaga ako kaysa sa BF niya??? lam ko mali din ako, pero mas mali siya na pabayaan na lang nang ganun ang GF niya... galing pa, kumalat pa sa mga kapitbahay na lasenggo ka, tapos yung mga kabarkada mo hindi, alam nang mga kapitbahay eh mga mababait yung barkada mo. ikaw na yung inaaya, ikaw pa yung naging BI!!! nakakabadtrip yun, pag usapan ka ba naman nang buong baranggay. hehehe, dahil dun naging manhid ako sa mga chismisan. ikaw ba naman maging talk of the town for four months tingnan natin kung hindi ka maging manhid. Ngayon medyo cool na kami nung mga yun, pwera sa iba kasi talagang tindi nang galit sa kin nung iba sa hindi ko malamang dahilan... yung isa ata nagalit dahil niligawan ko ung pinsan niya...

Tinawag pa kong "Black Sheep" hay.... talaga naman... kaya naman feeling ko minsan eh demonyo ako na nag anyong tao, hehehe... mukhang inosente ang mukha pero demonyo pala!!!
Bwahahaha!!! mga ganyang tawa.... hay.... wala lang pero past is past!!!

Pero sakit pa din nang ulo ko!!!

1 Comments:

  • Ay sus. Nung HS ako kapag nagaya cla tumatanggi lang ako maski nung college kasi naman kung ayaw ko, ayaw ko talaga, KJ na kung KJ. Hehe.

    By Blogger Sarah Strange, At 7:52 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home