This is as good as it gets

Saturday, January 14, 2006

High School Life

Sabi nila high school life ang the best na time. Totoo nga, kung iisipin mo ang apat na taon eh sobrang tagal, pagtapos nun eh iisipin mo ang bilis nang panahon.

parang kailan lang... (hay!) nakakalungkot naman...

Isa ko sa mga "unpopular" na tao sa school, ewan ko lang ha... pero feeling ko ganun... Isa din ako sa mga mahilig mangopya nang assignment, tamad magsulat, natutulog sa klase, nagcutting classes pag hindi mo trip yung subject, isa sa sinasaway nang madre dahil ang buhok ko daw eh pang demonyo(Lolz) catholic school kasi yun. isa din ako sa mga estudyante na mahilig mag-cramming pag may ipapasa na at nakikiusap sa titser kung pwede next week yung project o next day. nakakamiss talaga...

Ang mas nakakamis eh yung mga kabarkada ko... most of them are gurls, hindi ko din alam kung bakit malapit ako sa babae, basta pag babae yan sigurado makakasundo ko yan. ewan ko ba, para ngang na-unleashed ang feminine side ko nung high school(lolz!), pano ba naman laging yung mga kabarkada kong babae ang kasama ko papasok, recess, lunch, at uwian. na halos pagkamalan na kong bading. sensya sila at wala kong pakialam sa sasabihin nila.

Si Gilanie, Hioni, Grace, Cha-Cha, Mintot, Len-Len, Karen, Gem, Nica, Louie(gurl to medyo boyish lang), Arlene sino pa nga ba yung iba hehehe! yan ang mga angels ko... galing nga eh isang pangalan lang ang alam tawagin nang mga yan lalo na pag may problema sila, "Lupin" ako yun. palayaw ko sa skul. sarap din kasi lahat ata sila eh sa kin umiiyak pag may problema. ako din ang kanilang personal clown. syempre pagdating sa kulitan eh ako ang bida lalo na pagkatatawanan.

ang drama noh, kasi naman si louie nasa states na although may commincation eh nakakamiss pa din... tapos ngayon si grace ikakasal na, sa june. kala ko nga hindi niya ko iinvite...(tampo)

parang minsan tuloy sarap mabuhay sa nakaraan.....

1 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home