This is as good as it gets

Tuesday, October 18, 2005

Buhay nga naman....(yawn!!!)

Buhay nga naman mapaglaro... nakakayamot!!! bakit naman kasi kung kailan hindi ka na naghihintay nang dadating sa buhay mo eh, biglang may isang dadating na tao! sa hindi pa inaasahang pagkakataon!!! yung tipong tahimik ka na at lahat (well not for me, kunwari lang) hindi ako naghahanap pero laging mali lang talaga ang timing!!!
Nakakabadtrip!!!
Minsan ok ang timing, pero mas madalas eh laging ala sa tyempo!!! nde ko din alam kung magiging masaya ako dahil may dumating o mayayamot ako kasi may dumating!!! ang gulo gulo tuloy nang isip ko!!! lagi pa naman akong wala sa hulog kaya minsan biglaan na lang ang pagdedesisyon, kaya minsan napapasubo. ang labo pa hinde mo din malaman kung bakit gusto mo dun sa dumating na tao. Hihintayin ko na lang mawala ito... yun eh.... kung mawawala... eh paano kung hindi???
Sakit sa ulo nito...
Minsan nga ayaw ko na lang isipin... kasi napapakamot lang ako nang ulo.... eh ang kaso lagi mo naman siyang maiisip!!! kahit ayaw mo.... parang Involuntary!!! hehehe!!! weirdo na talaga ako!!! abnormal pa!!!
Ang naisasagot ko na lang tuloy eh... Bahala na!!! ito pa ang isang masamang ugali ko... inaasa ko na lang palagi sa "chance", "tingnan ko na lang kung ano ang mangyayari", lagi ko kasing sinsugal ang lahat!!! kaya ito di ko alam kong mananalo ako o hindi... katulad nga nang sabi ko... "bahala na!!!
=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
But then again, it got me thinking "di kaya infatuation lang ito???". kasi parang biglaan lang eh, minsan talaga ganun ako hindi ko ma-distinguish ang love sa infatuation. so while I'm headed home inisip ko and I analyzed everything that happend these past few weeks "baka nga infatuation lang". Kasi I don't believe in love at first sight, at these time because of that a lot of people are breaking up, and getting divorced. maybe meron mga tao na nagkatuluyan dahil dun, na hanggang ngayon eh married pa din sila or tumagal ang relationship nila nang mga let's say 4 years??? but the point is madalang yun!!!
well i just decided to give it time, kung hindi nawala tong naramdaman ko, tunay na to... kung nawala, infatuation nga...
or am I just being a hypocrite?

2 Comments:

  • O_o!? Masmadrama ka pala sakin.

    By Blogger Sarah Strange, At 9:20 AM  

  • Para kang sumusulat sa love notes. Hehe. Ok lang yan! Masarap ang feeling ng inlabinlaban. :p Un lang, masakit sa huli kapag hindi mo nakuha gusto mo. -_- anyway, experience is the greatest teacher. Infatuation can always lead to love. Hehe. Uyyyyyyyyy~!

    By Blogger Sarah Strange, At 3:11 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home