This is as good as it gets

Sunday, July 02, 2006

Is hell and earth the same?

It's been one week of HELL for me, I felt lazy the whole week. Actually I felt like I don't wanna work anymore. If I didn't need the money, I already quit my job. Too bad I still have a loan to pay, tons of things to buy, and some bills.

Nakakayamot lang kasi paano, bibigyan ka nila nang trabaho eh hindi naman naaangkop sa “Job Title” mo. Yeah sure atleast may natutunan ka, ang kaso naman pag natutunan mo na eh sasamantalahin nila, at lagi na nilang ipagagawa sa inyo. pag hindi mo naman ginawa eh papagalitan ka pa. paano gaganahan ang tao magtrabaho kung ganyan?

Isa pang pasaway nitong linggo eh ang mga taong nagamit nang PC, binigyan na nga nang gagamiting PC eh hindi pa lubos lubusin na pag aralan. Gusto eh kami pa ang gagawa. HELLO!!! TAGA REPAIR PO KAMI NANG SIRANG PC, HINDI NANG SIRANG NAGAMIT NANG PC!!! Nakakayamot lang talaga, tapos sasabihan ka pa nang kung anu-ano. Puro pa yabang at reklamo, eh minsan sila pa tong dahilan kung bakit nasisira ang PC nila. Tuturuan mo eh hindi naman gagamitin ang mga natutunan!!!

Last but not the least eh ang magaling naming ADMINISTRATOR!!! Engineer ka ba talaga? Kasi feeling ko ubod ka lang nang tanga!!! Ayusin mo naman trabaho mo, kami ang napapahamak sa ginagawa mo sa server natin eh!!! Kung alam mo lang kung ilang tawag ang natatanggap naming sa opisina dahil sa internet hay naku malamang marindi ka. Hindi ka na nga namin sinusumbong sa amo natin eh, ayaw mo pang ayusin. Alam mo bang pag sinumbong ka pa naming eh kami pa ang pagagalitan dahil daw bakit hindi ka naming kinausap tungkol sa problem na iyan? Hay naku… sa ka lang talagang tanga!!! Pwede mawala ka na lang sa paningin ko? Isa na lang pag may bagay na pinagawa sa iyo huwag mong akuin kung hindi mo kaya ha? At pag may ginawa kami sabihin mong kami ang may gawa hindi ikaw!!! Ipagmamalaki mo pang saglit mo lang ginawa!!! Kung alam mo lang kung gaaano karaming tao na ang galit sa iyo… makaramdam ka naman pre…

Yun lang…hehehe

4 Comments:

  • Tsk, parang kilala ko un ah! Sia ulet? hehe. At least nde mo kasama sa office nyo no...

    By Blogger Sarah Strange, At 5:34 PM  

  • kahit pa... tsaka nakasama ko na kaya yan sa office mas matagal pa sa inyo... partida di ko na siya kasama niyan nayayamot pa din kami hehehe...

    By Blogger eViLiNsIdE, At 5:59 PM  

  • technician lang kasi kayo...

    By Blogger lei, At 3:17 PM  

  • honga tapos hindi pa kami kasing galing niya noh :D

    kaya okay lang yun!!!

    P***** )#@ #@#!!!

    Bwahahaha!!!

    By Blogger eViLiNsIdE, At 3:30 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home